Ligaya

Eraserheads

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa ‘yo
‘Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko
Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
‘Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

[refrain]
Sagutin mo lang ako
Aking sinta’y walang humpay na ligaya

[chorus]
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Lahat tayo’y mabubuhay nang tahimik at buong ligaya

[ad lib]
(Toot toot…)

Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko
‘Di naman ako manyakis tulad ng iba
Ipinapangako ko sa ‘yo na igagalang ka

[repeat refrain]

[repeat chorus 5x till fade]