Nandito

Parokya Ni Edgar

Ilan taon nang nagdaan
Di ko pa rin natitikman na ang
Ika’y mahalikan
At madama ang yong kamay
Hinahaplos ang aking mukha hindi
Mo ba nakikita

Na ako’y maghihintay kailan pa
Man
Hindi magbabago ikaw lang
Ang laman ng puso ko

Naaalala mo pa ba
Inaawitan pa kita halos lahat
Ay nagawa
Di mo pa rin naramdaman
Kahit isang sulyap man lang
Sana naman ay pagbibigyan

Oh, dapat malaman mo na
Ako’y mamamatay
Kung di kita kapiling habang
Buhay
Dapat malaman mo na ikaw
Lamang ang syang
Minamahal kailanman