Tingnan mo ang iyong palad
Kalyado mong kamay
Sa hirap ng buhay
Sa dami mong problema
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga
Astig
Saan ka man naroroon
Wag kang matatakot
Sa baril o patalim
Sa bakas na madilim
Hoy
Pinoy ako
Buo aking loob
May agimat ang dugo ko
Hoy
Pinoy ako
May agimat ang dugo ko
Sinisid ko ang dagat
Nilibot ko ang mundo
Nasa puso ko pala
ang hinahanap kong kulo
Ilang beses na akong muntikang mamatay
Alam ko ang sekreto
kaya’t andito pa’t buhay
Sabi nila may anting-anting ako
Pero di nila alam na Diyos ang dahilan ko
Hoy
Pinoy ako
Buo aking loob
May agimat ang dugo ko
Hoy
Pinoy ako
May agimat ang dugo ko
Dinig mo ba ang bulong ng lahi mo
Isigaw mo kapatid ang himig natin