Sadya ba talagang ganyan
Palakad–lakad ka’t nakatungo
Sa’n patungo?
Ngayong wala ka na
Kailangang masanay na muling nag–iisa
Sa’n ka na kaya?
‘Wag mo akong sisihin
Kung minsan ika’y hanapin
Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na
Nasanay lang sigurong nand’yan ka
‘Di ko inakalang pwede kang mawala
‘Yan na nga
Nababato, nalulungkot
Luha’y napapawi ng singhot
At talukbong ng kumot
‘Wag mo akong sisihin
Kung minsan akong iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na