Isang araw…
Pumunta ako sa tindahan ni aling nena
Para bumili ng suka
Pagbayad ko aking nakita
Isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako laglag ang puso ko
Nalaglag din ang sukang hawak ko
Napasigaw si Aling Nena
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa
Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na
Nakatawa ang dalaga
Panay ang “sorry ho”
Sa pagmamadali nakalimutan pa ang sukli ko
Pagdating sa bahay nagalit si nanay
Pero oks lang ako ay inlababo ng tunay
[chorus]
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera
Pumunta ako sa tindahan kinabukasan
Para makipagkilala
Ngunit ang sabi ni Aling Nena
Habang maaga’y huwag na raw akong umasa
Anak niya’y aalis papuntang Canada
Tatlong araw na lang ay ba-bye na.
[repeat chorus]
Hindi mapigil ang damdamin
Ako’y nagmakaawang ipakilala
Payag daw siya kung araw-araw
Ay meron akong binibili sa tinda niya
Ako’y pumayag at pinakilala niya
Sa kanyang kaisa-isang dalaga
Ngunit nang makilala siya’y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga
[repeat chorus]
[chorus 2]
Tindahan ni Aling Nena
Dito nauubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
O Aling Nena,please naman maawa ka-ahh
Alam nyo’ng nangyari?
Wala–ahh wala–ahh
oh diyos ko!
Wala–ahh wala–ahh