Natatawa sa akin kaibigan,
at nangangaral ang buong mundo
Wala na raw tayong mga kabataan,
sa ating mga ulo
Kung gusto niyo kaming sigawan,
bakit hindi niyo subukan?
Lalo lang kayong hindi maiintindihan
Ang awit ng kabataan,
ang awit ng panahon
Ang awit ng kabataan,
awitin natin ngayon
Hindi niyo kami mabibilang,
at hindi rin maikakahon
Marami kami ngunit iisa lamang
ang aming pasyon
At sa pagtulog ng gabi
maririnig ang dasal
Ng kabataang uhaw
sa tunay na pagmamahal
Nawawala, nagtatago,
naghaghahanap ng kaibigan
Nagtataka, nagtatanong,
kung kailan kami mapakikinggan
Kung gusto mo akong subukan,
bakit hindi mo subukan
Subukan mo akong pigilan,
subukan niyo kami!