[verse 1]
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay,
Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay,
Laklak ng laklak ng beer magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kayang matulog ka na lang
At baka sumakit ang tiyan
[verse 2]
Ang araw ko’y nabubusisi
Ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan,
Ang pera ko ay di magkasya
Hindi makapagsine at ayaw naman dagdagan
Ubos na rin ang beer, kaya ano na lamang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad
Walang hinaharap ni konting sarap man lang
[verse 3]
Radyo, TV at mga lumang komiks
Wala ng ibang mapaglibangan,
At kung meron kang tatawagan
Ang credit mo sa text ay makakaltasan
Aha…
[verse 4]
Umiindak ang paa sa kumpas na tugtuging bago
Hanggang kumpas ka nalang at di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan ano ang gagawain
Huwag ng isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kaya matulog ka nalang
Matulog na ng mahimbing
Pumapatak na naman anng ulan…
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay,
Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay,
Laklak ng laklak ng beer magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kayang matulog ka na lang
At baka sumakit ang tiyan
[repeat verse 2]
[repeat verse 3]
[repeat verse 4]
Pumapatak na naman ang ulan…