Categories
After Image

Anak Ng Puso

(Ngayon)

Oh, hangin, umihip ka
Bigyan mo ng buhay
Bakas ang luha niya
Ang anak ng puso

Umaagos ang iyong dugo
Dalay ay kulay ng iyong ninuno
Ngunit ‘pag humampas sa bato
Natutuyo

Makulay ang buhay niya
Ngunit may pagkiling
Sa kulay ng iba
Kulay na pinili

Humangahos, bisig ay bato
Sariling lahi, ‘di na namuo
Simula sa araw na ito
Imulat mo

Hangin ko, umihip ka
Bigyang kulay ang buhay niya

Putik sa iyong mata
Hugasan mo ng ‘yong luha
Unti-unti mong makikita
Bilis ng ‘yong mga kamay
At ang pigtig ng ‘yong puso
Hinding-hindi mahihinto

Oh, araw, sumikat ka
Bigyan ng liwanag
Ang daang lalakaran niya
Ang anak ng puso

Ipagdiwang at paghandaan
Mula sa lupa, bagong pagsilang
Ang buong mundo’y naghihintay
Iyung-iyo

Hangin ko, umihip ka
Bigyang kulay ang buhay niya

(Saan ka ba galing
At sa’n ka pupunta?)