Categories
Gloc9

Torpedo

Pasensya na kung ako ay ‘di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama

Tandang-tanda ko pa
Simula pa ng mga bata pa tayo
Una kang nasilayan ng lumapit ka sa aming baryo
Nilapitan ka’t kinausap ka
At tayo’y naging magkaibigan
Lagi mong kakwentuhan
Sa manggahan na ating tambayan
Di ko alam bakit damdami’y sadyang napalapit
Gustuhin ko mang sabihin na ako’y kaibigang matalik
Ng lalaking sayo’y gabi-gabi ang panliligaw
Ika’y sa aki’y nagtanong at para bang nagpahapyaw
Na ako ay syang nakakaalam
Kung ano ang mas tama kung oo o hindi
At kung saan ka liligaya
At sinabi ko’ng ang taong yon ay mapagkakatiwalaan
Di ka sa akin sumagot
Nabalitaan ko na lang

[chorus]
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak ng torpe
Sa ayaw at hindi

Lumipas ang sampung taon
Nasa Maynila ka na raw
Hindi kayo nagkatuluyan
May trabaho di sa araw
At kinukulayan ang mga labi mo
Sa gabi upang takpan ang yong lungkot
At ang luha sa iyong ngiti
Ako’y nagsisi kung alam ko lang di sana’y noon pa
Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama
Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon
Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon
Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong
Damdamin ko para sa’yo
Panalangin sana’y mahawakan at makasama ngayon
Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon

[repeat chorus]

Isang gabi habang ako’y nakaupo
Sa harapan ng aming bahay at tila
Ba nakatulala sa buwan ng may
Isang babae na sa aki’y lumapit at nagsalita
Di nakapagsalita
Ako’y napatulala lubos ang aking ligaya
Hindi makapaniwala
Siguro’y panahon na upang kami ang magkasama
Hinawakan ko agad ang kanyang malambot na palad
Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad
Ikaw pala’y ikakasal
At sa akin ay magpapaalam
Di na nakuhang sabihin
At sa’yo’y ipaalam ang tunay kong nadarama
Bakit parang alam mo na
Sa pagtalikod ay may tumulong luha sa yong mata

[repeat chorus]

Pasensya na kung ako ay ‘di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama