Album: Mornings and Airports
Mahirap bumangon
Anong nangyari kahapon?
Pa’no, umabot dito?
Kumikirot ang ulo at puso
[refrain]
Sa dinadami ba naman ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan sa puso’t isipan
[chorus]
Lumangoy sa alaala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig
Ako’y uhaw at ikaw ang aking tubig
Buong araw nahihilo
Ang mundo ay slow-mo
Dahan-dahang buksan ang aking mata
Ang sikmura sumisirko-sirko
[repeat refrain and chorus]
Ako’y uhaw at ikaw…
[repeat refrain]
Lumangoy sa ala-ala mo
Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw…
[repeat chorus]
Ako’y uhaw…
Ako’y uhaw…
Ako’y uhaw at ikaw…
Ikaw ay tubig…
Ikaw ay tubig…