Categories
Rivermaya

Remenis

Anong kulay ng pag-limot?
Isasalin ko sana sa bughaw na nadarama
Naghahabi ng paghilom
Buhay natin ang tema
Alaala ang tinta

Simple lang ang buhay noon
Lahat ng bagay abot ng isang kamay
Himbing natin sa gintong nakaraan
Paminsan-minsan lamang balikan

Isipin mo nalang may taong wala ng meron ka
Pero sumasabay sa ikot ng mundo
Sikreto ng buhay ay wala sa mga tala
Muli nating balikan ang simula
Muli nating balikan ang simula

Sa ngayon
Hanggang remenis nalang
Sa ngayon
Hanggang remenis ka lang

Tama na’ng sisihan
Lahat nama’y nagkulang
Sa kanya-kanyang paningin
Kanya-kanyang paningin
Hawak mo na ang mahiwagang alas
Sasama ka ba o kusang aatras

Simple lang ang buhay ngayon
Manalig ka, Diyos lang ang siyang gabay
Gintong pangako
Gintong pangako

Sa ngayon
Hanggang remenis nalang
Sa ngayon
Hanggang remenis ka lang

Isipin mo nalang may taong wala ng meron ka
Pero sumasabay sa ikot ng mundo
Sikreto ng buhay ay nasa tibay ng samahang
Sinimulan
Inaalagaan
Pinaninindigan
Muli nating balikan ang simula
Gintong pangako
Gintong pangako