Categories
Moira Dela Torre

eme

[verse 1]
Nagdilang anghel na naman
Sana’y hindi na ‘ko masasaktan
Eh ano pa ba? Maling akala
Lahat ng mahal ko, ‘di pinakinggan
Pinagtanggol ka hanggang sa katangahan
Pinagsisihan na ika’y pinaglaban

[pre-chorus]
Gusto ko lang sabihin na

[chorus]
Ang kapal ng mukha mo
Wala na ngang tayo
Ba’t parang ‘di pwedeng lumaya?
Wala naman akong kasalanan
‘Wag kang parang gago
Kung magkaro’n man akong bago
‘Di ko kailangang magpaalam
Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?

[verse 2]
Araw-araw akong nagsuka
‘Di maintindihan, ba’t ‘di ko madama
Na ako’y maganda sa iyong mga mata?
‘Di ba dapat hanggang pagtanda?
Ika’y mahalin payat man o mataba?
Bakit nung nagkita?
Sabi mo, “Crush na ulit kita”?
Loko

[pre-chorus]
Gusto ko lang sabihin na

[chorus]
Ang kapal ng mukha mo
Wala na ngang tayo
Ba’t parang ‘di pwedeng lumaya?
Wala naman akong kasalanan
‘Wag kang parang gago
Kung magkaro’n man akong bago
‘Di ko kailangang magpaalam
Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?

[bridge]
Nalilito lang sa’yo
Alam mo naman ginawa mo
Bakit sa’kin pa rin ang sisi?
Tagal ko rin tinago ‘to sa sarili
Alam ko namang minahal mo ako
Hindi mo lang ginalingan
Sana tanggapin at ‘wag nang guluhin
‘Di na papaloko ulit

[pre-chorus]
Gusto ko lang sabihin na

[chorus]
Ang kapal ng mukha mo
Wala na ngang tayo
Ba’t parang ‘kaw pa ‘yung malaya?
Wala naman akong kasalanan
‘Wag kang parang gago
Kung magkaro’n ka man ng bago
Bakit ka magpapaalam?
Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?