Categories
Cielo Magno

Tax ng Ina Mo, Bantayan Mo!

Oooh-ohhh…
Tax ng ina mo, bantayan mo, yeah!
Wag hayaang mawala sa tama nito!
Hustisya’t serbisyo, yan ang kailangan mo!
Sa bawat sentimo, let’s go, let’s go!
Verse 1
Tax ng ina mo, bantayan mo!
‘Wag hayaang waldasin ng pulitiko
‘Yan ay pinaghirapan mo, pawis ng buhay mo
Isusubo mo na lang, kinuha pa sa’yo!
Nasaan ang hustisya, nasaan na?
Di ba’t para sa anak mo ito, ah?
Chorus
Ohhh, bantayan mo! Bantayan mo!
Bawat sentimo’y may halaga ito
Ohhh, para sa bayan, hindi sa bulsa
‘Wag hayaang maging kwentong paasa!
Verse 2
Tax ng ama mo, bantayan mo!
Dapat kapalit ay tunay na serbisyo
PhilHealth, edukasyon, serbisyong totoo
Hindi palabas na puno ng abuso!
Oooh, kailangan natin ng pagbabago!
Para sa kinabukasan, tama ang sigaw mo!
Yo! Check it out!
Tax ng kuya mo, paano na, bro?
Flood control na gawa’y parang laro!
Imprastraktura, dapat nakakaginhawa
Pero, nasaan? Puro sablay sa gawa!
Tax ng ate mo, saan napunta?
Pork barrel, confidential, ang daming kwenta!
Ayuda raw, pero di mo makita
Ang sistema, bulok—baka kaya ka ng lupa!
Yo! Rise up, stand tall, let’s fight corruption!
Mga magnanakaw, time for disruption!
Bridge
Tax ng ina mo, tax ng ama mo
Pinaghirapan, siningil sa’yo
Kung walang serbisyo, dapat may tanong ka
Nasaan ang pera? Sagutin nila!
Final Chorus
Ohhh, bantayan mo! Bantayan mo!
Bawat sentimo’y may halaga ito
Ohhh, para sa bayan, hindi sa bulsa
‘Wag hayaang maging kwentong paasa!
Outro
Oooh-ohhh… bantayan mo, yeah!
Tax nating lahat ito, bantayan mo!
Ohhh… oras na, simulan mo!
Bantayan mo… ngayon mismo!