Di Na Natuto

APO Hiking Society

Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto

Sulyap ng iyong mata
Aking nadarama kahit malayo
Nahihirapan na lalapit-lapit pa
Di na natuto

[refrain]
Isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo
Yakapin mong minsan at muling magbabalik sa ‘yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko’y tanging iyo lamang

O heto na naman
Laging nananabik ang aking puso
Muling bumabalik sa iyong mga halik
Di na natuto

[repeat refrain]

Huwag mong gawing biro ang ating pagmamahalan

[coda]
Ang puso ko’y tanging iyo lamang