Kuwentuhan

Sugarfree

Kanina pa tayo magkasama
Umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo’y pagod
Buong mundo ay tulog
Ikaw at ako
Dire-diretso lang na walang pakialam

Kuwentuhan lang
Wala namang masama
O usap lang
Dahil gusto kitang makilala’t
makasama

Tatawa tayo
Sabay seryoso
Unti-unti kang nakikilala
Ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi
Tahimik ka lang parati
Pero ngayong gabi
Parang kay rami-rami mo nang nasabi

Kuwentuhan lang
Wala namang masama
O usap lang, dahil gusto kitang
makilala’t makasama
Makasama

May araw na
Tulog ka na
Ang himbing mong managinip
Ang sarap-sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako
O dito muna siguro
Samahan ka
Dahil parang ayaw mong mag-isa

Samahan ka,
wala namang masama
Kung samahan ka
Hanggang lungkot ko’y
makatulog din

***
Thanks to Kate for this contribution.