22

Spongecola

Halika na
Iyong lunurin ang problema’t kalimutan
May tanong pa ba?
Di na kailangan mag-isip
Pagkat bughaw ang ating langit

Malapit na
Akong matunaw
Puso ko’t damdamin ay sumisigaw

Dahil ako’y nasasabik
Sa muli mong pagdampi sa aking labi
Pagkat/hanggang ngayo’y hinahanap-hanap pa rin
Ang iyong tamis
Sa tuwi’tuwina yeah

Ito na ang sandali
Asahan mong makikinig ng walang maliw
Di na kailangan pang itago ang nadarama’t magduda
Matagal ka nang naiinip di ba?