Babalikang Muli

Regine Velasquez

Pinilit kong limutin ka
Nang iwan mong bigo ang puso ko
Nilimut na kita
Sa buhay kong mag-isa
Ngunit bakit ngayo’y
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Babalikang muli
Mga araw at sandali
Kahit wala ka sa king piling
Iniibig kita
Iyan ang sigaw ng puso ko
San ka man naroroon pa

Una pa nang nakita ka
Ang buhay ko’y laan na sa iyo
Kapwa tayong hibang
Nangakong mag-iibigan
Binigay kong lahat
Minahal ka nang, minahal ka nang tapat…

Babalikang muli
Mga araw at sandali
Kahit wala ka sa king piling
Iniibig kita
Iyan ang sigaw ng puso ko
San ka man naroroon pa

Hindi kahit isang saglit
Nakakubli sa puso kahit kailan…

Babalikang muli
Dahil ako’y nasasaktan
Hindi kita malilimutan
Kahit na sabihin
Na luluhang muli sa’yo
Ibabalik ko ang kahapon
(Ibabalik ko ang kahapon)

Babalikang muli
Mga araw at sandali
Kahit wala ka sa king piling
Iibigin ka
Sigaw ng puso ko
Mahal pa rin kita
San ka man naroroon pa…