Kailanman

6cyclemind

Dumating na ang bagong araw
Salubungin nating dalawa
Sa bawat bukas na darating
Tayo’y may pag-asa

Makulay ang ating buhay
Minsa’y puno ng pagsubok
Lahat tayo’y lilipas din
Tadhana’y matatanaw

Hawakan mo ang aking kamay
Sabay tayong maglalakbay
Huwag ka nang mangangamba
Landas nati’y nag-iisa

Kailanman ako’y sayo lamang
Kailanman ang pangako ko sayo’y
Hindi na mababago
Kailanman

Sa tuwing ako’y nalulumbay
Ginhawa ang iyong ibinibigay
Ilaw ka sa kadiliman
Kulay ka ng aking buhay