Chicksilog

Kamikazee

Mag-damag nag-aabang mag-lalaro kaya
Ang dalagang nag-tatago sa alyas na maldita
Sa dating tagpuan sa bayan ng Pontera
Sa tabi ng tindahan ng magic at sandata

Nung minsan nga ay nag-alay ka pa ng buhay mo
Ng kinalaban natin ang mga bagong dayo
Natalo na sila at nag-aya kang mag-saya
Tanging hinihintay ang makita ka

[refrain]
Alas dos nung Linggo (sa Gotesco)
Nag-polo pa ako (at nag-pabango)
Nananabik habang (hinahanap ka)
Tumigil ang mundo (ng nakita ka)

[chorus]
Chicksilog ako ay nahulog
Nilinlang, niloko alam ko nang sikreto mo
Chicksilog ako ay nahulog
Nilinlang,niloko alam ko nang sikreto mo

Walang saysay mag-level up
Pantasya ay nasira na
Ang inipong lakas
Nag-lahong parang bula
Kaya pala ang husay mo sa espada
Si maldita ay lalake pala

[repeat refrain]

[repeat chorus]