Kama Supra

Eraserheads

Sampung buwan na akong hindi natutulog
Kasi naman ang ingay ng aming kapitbahay
Pag gabi disco house at videoke
Kaya sorry na lang kung wala ako sa sarili
Mahal kita pero miss na miss ko na

[refrain]
Ang aking kama
At ang malupit kong unan
Ba’t di ka na lang sumama
Hihiga tayo at kakanta

Masarap matulog lalu-lalo na pag umuulan
Huwag kang matakot sa pungay ng aking mga mata
Napuyat lang nang magyaya si Medwin kagabi sa kanila
Kami’y nagkantahan ng “muntik nang maabot ang langit”
Kaya naman ako’y nasasabik sa

[repeat refrain]

La la la la