Superproxy

Eraserheads

Sawa ka na ba sa mga hustle sa buhay mo
Ayaw mo na bang mag-isip para sa sarili
Tinatamad ka ng bumyahe
Ang gusto mo’y nakahiga na lang
Napapagod ka na ba sa kayayakap sa asawa mo

[refrain]
Ito/ako ang kailangan mo
I-dial lang ang telepono

[chorus]
Hindi na dapat maghirap
Sa iisang iglap ang buhay ay sasarap
‘Wag nang mag-atubili kumuha ng
Superproxy

Ako ay kaibigan na lagi mong maasahan
Umulan man o umaraw ay nariyan ‘pag kailangan mo
Ito ay special offer sa mga taong katulad mo
Gamitin ang iyong bulsa para guminhawa

[repeat refrain]

[repeat chorus]

Ako ang bahala sa ‘yo
Ang buhay mo ay buhay ko

[repeat chorus]

Superproxy superproxy
Superproxy superproxy
Superproxy superproxy