Awit Ng Saya

MYMP

Dahil sa ‘yo natagpuan ang kasiyahang inaasam
Ibinigay mo sa akin ang dati’y laging pinapangarap
Ipinadama ang yakap na walang kasing saya

[chorus]
Hayaan mo akong umawit, ako nama’y nagpapasalamat
Tulay ng maykapal, inuugnay ang ating pagmamahalan
Gawa ng lakas na ‘di guguho
Sa minsang pagsubok na napagdadaanan ng buhay

Ikaw ang pag-ibig na amining pinangarap at hiniling
Pang-habambuhay na ito dati’y laging pinapangarap
Walang pagdududa sa yakap na walang kasingsaya

[repeat chorus]

Ikaw lamang ang kailangan ng buhay
Sa lungkot at ligaya, tayo’y magkasama
La la la la…

[repeat chorus]