Talaga Naman

MYMP

Talaga namang nakakabighani
Talaga namang nakakagulat
Nakapagtataka ba’t ka nasa isip
Nakakapanghinayang, sana’y maulit

Talaga namang nakakabigo
Talaga namang nakakalungkot
Kung kaillan pang malapit nang mahulog ang loob
Saka ka lumisan sa ‘king pagtulog

[chorus]
Panaginip, nakakabaliw
Nakikita nga, di naman natatanaw
Talaga namang hanggang doon na lang
Ang pag-ibig na sana’y alay sa’yo’y
Talaga namang di na matutuloy

Talaga namang pinapangarap
Talaga namang gusto kang mayakap
Muling mahawakan ang iyong mga kamay
Kahit na alam kong ito ay di tunay

Talaga namang nakakabigo
Talaga namang nakakalungkot
Kung kailan pang malapit nang mahulog ang loob
Saka ka lumisan sa ‘king pagtulog