Jam

Kevin Roy & Cookie Chua

Hirap umawit mag-isa
And kasabay lumang guitara
Parang walang saysay ang kilos ko sa mundo

Pero ang kinabukasan mo
Tungkulin ba ng ibang tao
Maghanap ng entablado mo
Ngayon

Wag lang pagmasdan ang pangyayari
Gumala’t gumalaw
Lamang sa ihip ng damdamin
Sabay sabay ng sumigaw

[chorus]
Kilos kabataan oras natin to
Makialam, makijam, makilahok
Kilos kabataan buhay natin to
Ang mundong dinatnan tayo magpatakbo
Makijam ka pare ko

Gusto ko man maki-isa
Sa paglutas ng mga problema
Anong magagawa ng isang katulad ko

Pero ang kinabukasan mo
Tungkulin ba ng ilang tao
Makibahagi sa bagahe ng mundo

Wag lang pagmasdan ang pangyayari
Gumala’t gumalaw
Lamang sa ihip ng damdamin
Sabay sabay ng sumigaw

[repeat chorus]

[bridge]
Kevin Roy
Matuto ka makisaya
Ang mundo ma’y magka-iba
Cookie Chua
Sabay sabay kung mag-ingay
Makilahok, magpakilala

[repeat chorus 2x]