Pansinin Mo

Juana

Ngayong nandito na ako
Di na muling iiwan ka
Pangako sa’yo
Di na magkakalayo
Maniwala ka’t magtiwala

[chorus]
Ngunit di mo naman pinapansin mga tawag ko
Di mo naman pinapansin mga sulat ko
Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?
Lahat naman ay kayang ibigay sa’yo
Kahit na mahirap basta gusto mo
Ano ba talaga para lang ako’y pansinin mo

Sana naman’y maintindihan mo ako
Lahat nito’y para sa’yo
Nang ako’y lumayo
Ikaw pa rin ang hanap ko
Ang gusto ko’y sayo lamang