Kung Mamahalin Mo Lang Ako

Janno Gibbs

Lagi kitang tinatanaw
Lahat ng kilos at galaw
Aking sinusubaybayan, binabantayan

Araw-gabi ako’y saksi
Sa bawat luha at hapdi
Hirap ng iyong dinadala ay nadarama

Kung nalalaman mo lamang
Na ako’y nag-aabang
Ng pag-ibig mo

[chorus]
Kung mamahalin mo lang ako,
Langit ang ibibigay sa ‘yo
‘di ka na kailan muling luluha pa,
Pangako ko sa ‘yo
Kung mamahalin mo lang ako,
Hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika’y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Lagi akong nakatingin
Naghihintay na mapansin
Kahit isang sulyap man lang ay tatanggapin

Hanggang kailan magdurusa
Makita ka sa piling niya
Hanggang kailan pagmamasdan ika’y masaktan

Sana ay nalalaman mo
Na may nagmamahal sa ‘yo
Heto lang ako

[repeat chorus]

[ad lib]
Ooh

[repeat chorus]