Reunion

Sugarfree

Kamusta na? Matagal na rin tayong di nagkita
Ibang-iba ka na
Ang gabi’y inuulan ng ngiti
Habang binabalik-balikan ang nakaraan
at napansin ko lang

[refrain]
Na habang tumatanda, lalong tumataba
Lalong bumibigat, lalong lumalala
mga problema sa buhay

[chorus]
Ngayong gabi kahit sandali
takasan natin ang ngayon
At bumalik sa ating kahapon
nung buhay natin ay puno pa ng kulay
Kelan ba nagsimula? Kelan ba tayo tumanda

Malayo na rin an gating narating
mula nang maghalikan ang mga landas natin
May mga yumaman na, may biglang nawala
at may ibang walang magawa kundi manganak
ng manganak

[repeat refrain and chorus]

Tignan mo nga naman ang nagagawa ng panahon
Kay layo na natin sa noon
Matatapos din ang gabi
ngunit di maghihiwalay
ang puso ko at alaala mo

(para sa mga kapatid ko sa UPRHS batch
93. aminin nyo na, tumaba kayong lahat)