Hikaw Lang

Joey De Leon

Hikaw lang, dati ang alahas mo
Ngunit bakit ka nagkaganyan
Dumami na ang mga sabit
Halos buong katawan na

At meron ka pa sa iyong kuwan
Sa kwan at sa may ano mo pa
Pati sa ano, paano na yan
Lahat may barikada

Lagi na lang pagsibasib ko
Sa mga rings, mga piercing mo
Labi’t ngipin ko ay lagi na lang sumasabit
At nung minsan pa nga, o aking darling
Nalunon ko ang isa sa mga rings
O ang labo mo, natawa ka pa sa akin

Hikaw lang, dating nasa katawan mo
Kahit na make up, wala ka nyan
Hikaw lang naman at wala ng iba
Pero ngayo’y nag-iba ka na

Tattoo mo ay all over na
Lahat ng lugar ay meron ka
Puwit, pusod, dibdib, kahit saan
Tattoo mo ay grabe na

Hippieng-hippie na sya
Para syang dyaryo
Katawan nya ay parang comics
Pag nagsa-shower sya
Di mo alam kung sya’y malinis
Pero what can i do, i can’t anything
Whatever, ako’y kanya pa rin
Ang name ko kasi
Naka-tattoo sa kanyang singit