Kapalaran

Radioactive Sago Project

Natanggal ka sa trabaho, nahold-up ka
Iniwan ka ng misis mo, sumama sa kabarkada mo
Uminit ang ulo mo
Kaya nakaubos ka ng isang longneck na ???
Nalasing, nakipag-away, nakasaksak
Ayun, kulong

At nakukunan ka sa TV Patrol
Habang humahagulhol
At sinasabing
“Teka, hindi ko po sinasadya po e”

Habang inaakbayan papasok sa selda
Ng mga kakosang naka-tattoo
At hinahaplos-haplos ng mayor
Ang buhok mo pababa hanggang balikat
At bubulungan ka nya ng malambing sa tenga ng
“Wag ka ng mag-alala pogi
Hinding-hindi ka na malulungkot dito
Hinding-hindi ka na malulungkot dito”
Habang tuloy ang haplos sa buhok mo
Hanggang balikat

Bakit kaya may ligaya’t lumbay
Sa pag-ibig, may bigo’t tagumpay
Di malaman, di maisip
Kung anong kapalaran
Sa akin ay naghihintay

Tuloy tuloy ang paghaplos ng mayor
Sa iyong buhok at iyong balikat
May hawak syang sabon at lotion
At sabi nya “Tara pogi”
“Kuya, san tayo pupunta”
“Tara pogi, shower na tayo”

Sa akin ay naghihintay