Maliit Na Syota

Joey De Leon

Tayong mga lalake na yata
Pag dating na sa girls ay wala yatang sawa
Ok lang yan pare, basta mapili ay tama
Madami ang nadadapa sa maling pagsyota

Nung ako ay bata pa lamang sandamukal crush ko
Sari-saring mga korte, may bulate, may oso
May tisay na parang mola, may kulay pwet ng kaserola
May rich na may auto at meron ding kasing-poor ko

[refrain]
Dahil sa mga yan ay aking nalaman
Ang tama na pagpili mo
Sa aking karanasan ay aking natutunan
Swak at sigurado sa kababaihan
Kababaihan na syo-syotain mo

[chorus]
Maliit na babae ang the best pare
Konting gastos, lalo’t naka-mini
Sa utang di mababaon, matipid pa sa tela
Lagi pa syang cute na cute at mukha pang bata

Small na babae lalong not beautiful
Kayang-kaya mo pare pag kayo’y nagkarambol
Madali pa syang itago pag meron ka pang iba
Hindi ka magsisisi pag maliit ang babae

[repeat refrain and chorus]

Tayong mga lalake na yata
Pag dating na sa chickas ay wala yatang sawa
Ok lang yan pare, basta pagpili ay tama
Madami ang nadadapa sa maling pagsyota

Maliit na syota

Sa utang di mababaon, matipid pa sa tela
Lagi pa syang cute na cute at mukha pang bata

Maliit na syota