Kailan Ka Darating

Wency Cornejo & Rachel Alejandro

Dati ay nasaktan na
Ayoko na sanang lumuha pa
Nag-iisip, nagtataka
Sa ‘kin kaya ay darating ka pa
Nagtatanong ako kailan kaya

Marahil ay nariyan ka lang
Sa ‘king tabi ngunit ‘di ko alam
Sana nga’y malapit ka
‘Pagkat ako ngayo’y nag-iisa
Ngunit ako’y laging/ngunit umaasa
Balang araw ‘di na mag-iisa

[chorus]
Kailan ka darating sa buhay kong ito
Kailan mapapawi itong aking lungkot
Ang puso ko’y (ang puso ko’y) naghihintay (naghihintay) sa ‘yo

Nasa’n ka (nasa’n ka), o, giliw ko
Ako’y nangungulila sa ‘yo
Kay tagal (kay tagal) ng ‘yong pagdating
Sa Diyos ako’y laging humihiling
Nagdarasal sana ay dumating
Ano’ng kinakailangan kong gawin

[chorus]
Kailan ka darating sa buhay kong ito
Kailan mapapawi itong aking lungkot
Ang puso ko’y (ang puso ko’y) naghihintay (naghihintay)

[bridge]
Anong kailangan kong gawin
Upang ika’y maging akin
Nasa’n ka na
Nasa’n ka na (nasa’n ka na)
Haa haa haa

[chorus]
(Kailan ka darating sa buhay kong ito
Kailan mapapawi itong aking lungkot)
Ang puso ko’y (ang puso mo’y) naghihintay (naghihintay)
Ang puso ko’y (ang puso mo’y) naghihintay (naghihintay)