Nosi Balasi?

Sampaguita

Wag mong pansinin ang naninira sa ‘yo
Basta’t alam mo lang, tama ang ginagawa mo
Wag mong isipin, wag mong dibdibin
Kung papatulan mo’y lalo ka lang aasarin

[chorus]
Nosi, nosi ba lasi
Sino, sino ba sila
Nosi, nosi ba lasi
Sino, sino ba sila?

Ituloy mo lang, gawin ang gusto mo
Walang mangyayari kung sila’y papansinin mo
Talagang ganyan, wag mo lang patulan
Wala lang magawa kaya sila’y nagkakaganyan

[repeat chorus]