Tag-ulan

After Image

Minsan ika’y nag-iisa, walang makasama
Di malaman saan tutungo
Naghahanap, nag- iisip kung saan babaling
Dito sa mundong mapaglaro

At tuwing ika’y nalulumbay, di maka kita
Nais mo na may makasama
Sa iyong lungkot akala mo ika’y nag- iisa
Narito ako’t kapiling ka

Kung nais mong ika’y lumuha
Ako’y makikinig sa bawat salita

[chorus]
Kapag umuulan bumuhos ang langit sa ‘yong mga mata
Kapag mayroon unos ay aagos ang luha
Ngunit ‘di ka mag- iisa, kaibigan

Kay rami nang mga tanong sa iyong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagka ganoon and nangyari sa ‘yong buhay
Tanong mo man sa akin, di ko alam

Handa akong maging tanggulan
Sa tuwing sasapit sa’yo ang tag-ulan

[repeat chorus except last word]

Ako’y naririto, naghihintay lamang sa’yo
Tumawag ka’t ako ay tatakbo sa piling mo, kaibigan!