Kabataan Para Sa Kinabukasan

Francis M

Kapag ang tao ay masipag, tumatatag ang buhay
Nagsusumikap kahit mahirap ialay
Ang pawis sa kinabukasan
At nang tayong lahat mabiyayaan
At wag kalilimutan at laging tandaan
Ang hagdang paitaas ang siyang laging tahakin
Ano man ang yong gawin kahit yon at yon din
Gawin mong magaling at sa puso’y mangaling

[chorus]
Nasa palad mo ang kapalaran, kabataan para sa kinabukasan
Oras ay ginto, gamitin ng mahusay, dahil ang oras ay walang hinihintay
Peace, kapayapaan
Nature, kalikasan
Children, kabataan

Ang kabataan, kalikasan para sa kinabukasan
Iwasan ang pagkakamaling ating naranasan
Oras ng magtubos, daigdig nati’y wag sayangi’t wag hayaang maubos
Oras na para kumilos(make a stand)
Magkapit bisig para sa daigdig(hand in hand)
Mulat na kabataan ang sagot
Wag pasasangkot sa pinagbabawal na gamot!
Kundi gamitin ang talino
Maging tunay na bayani makabagong pilipino
Sulong kabataan ipakita ang lakas, tunay at wagas
Na pag-asa ng bukas

[repeat chorus]