Lumilipad

Dennis Trillo

Ikaw ang sinisigaw ng puso ko
Ang sanhi ng aking pagbabago, ikaw
Sa’yo umiikot ang aking mundo
Inaalay ang buhay ko, sa’yo lamang

[chorus]
Ang himig mong naglalaro tumatakbo sa puso
Di na tumigil na mawala
Larawan mong nakaukit sa isip
Buong araw, buong gabi at buong magdamag

Ikaw ang dahilan ng aking pag ngiti
Nakakatulugan ko tuwing gabi, bakit ikaw
Kailan matatapos itong kahibangan
Pagkat ang puso ko’y nasasaktan
Dahil hindi naman nasusuklian

[repeat chorus]

Lumilipad ang isip ko
Kahit wala na namang patutunguhan ito

[repeat chorus]

Lumilipad ang isip ko
Kahit wala na namang patutunguhan ito