Magpakainlanman

Top Suzara

Naalala, ngayo’y magkasama
Kahit kapiling o anong saya
Di maunawaan, bakit lumisan
Nahihirapang tanggapin wala ka na

Ngunit ramdam ko nariyan ka
Nararamdaman ko di ka naman nawala

[chorus]
Alam kong nariyan ka lang aking mahal
Di ko inakalang na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko aking mahal
Alam kong naririto at
Ika’y makakasama ka kainlanman

Sana’y sinabi, at di ko nasabi
Sana’y nagawa ko, At ng di ko nagawa
Panong makapaghihintay, sayo ng lubusan
Na sa aking buhay, ikaw ay mahalaga

Ngayon ay malamang daraan
Para ika’y makayakap at muling mahalikan

[repeat chorus]

[bridge]
Lagi-lagi kong pinagdarasal
Na sana’y pagbigyan ng Maykapal
Na muli kang makausap, kahit sandali lang
Para magpasalamat at masabi minamahal kita
Patawarin mo sana

[chorus 2]
Alam kong nararayan ka lang aking mahal
Di ko inasahang na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko aking mahal
Alam kong naririto
Sa ‘king tabi kasama ko oh

[repeat chorus 2 except last two lines]
Ay naalala ko na
Ang pagmamahal mong totoo
Tulad ng pamamahal sa ‘yo
Hinding-hindi maglalaho
Magpakainlanman

Magpakainlanman