Minsan

Eraserheads

Minsan sa may kalayaan tayo’y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at
Kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo

[refrain 1]
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana’y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan

[chorus 1]
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Minsan ay parang wala nang
Bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para
Bang tayo’y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati’y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi’y anong saya

[repeat refrain 1]

[repeat chorus 1]

Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan

[refrain 2]
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin
Ang ating pinagsamahan

[chorus 2]
Ngunit kung sakaling mapadaan baka
Ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan