Sayang

Rivermaya

Ang dami kong nadidinig na katanungan
Bakit daw, anong nangyari
Ang sagot ko, ewan ko hindi ko talaga alam
At ang sabi, eh paano naman kami

Ako ay napatigil at nag-isip
Ano ang sasabihin ko sa iyo
Alam kong kailangan na malaman mo
Kailangan at may karapatan ka na malaman

[chorus 1]
Ito ba ay paalam na
Ito ba ay paalam na
Ito ba ay paalam na
Ito ba ay paalam na

Nagbuntong hininga
Parang di na makakilos
Di naman katapusan ng mundo
Pero di naman masisisi ang nararamdaman ng puso ko

Ganito lang talaga ako
Abangan ang susunod na kabanata
Ang pagsubok na ito
Sa tulong mo ay kakayanin ko

[chorus 2]
Ito ba ay paalam na kaibigan
Ito ba ay paalam na kapatid
Ito ba ay paalam na kapamilya
Ito ba ay paalam na kapuso
Ito ba ay paalam na sinta

Bakit naman ako aalis
Pinamana ko na sa inyo ang aking puso
Hindi naman ako aalis
Di ko ata kakayanin iwan ka

Huwag ka ng umiyak
Sayang ang luha