Pangarap Na Bituin

Sarah Geronimo

Saang sulok ng langit
Ko matatagpuan
Kapalarang di naghihintay
Sa pangarap lang namasdan

Isang lingon sa langit
(Pangarap na Bituin telenovela theme song)

At isang ngiting wagas
May talang kikislap
Gabay ito sa tamang landas

[chorus]
Unti-unting mararating
Kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko’y magniningning
Hawak ngayo’y tibay ng damdamin
Bukas naman sa ‘king paggising
Kapiling ko’y pangarap na bituin

Ilang sulok ng lupa
May kubling nalulumbay
Mga sanay sa isang kahig isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit
Nais mag-bagong buhay
Sa ‘ting mga palad
Nakasalalay ang ating bukas

[repeat chorus]