Para Lang Sa ‘Yo

Aiza Seguerra

(Theme From Ysabela)

Noo’y umibig na ako
Subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko nang umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko nang masaktan muli ang puso ko
Ngunit ng ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama

[chorus]
Para sa yo ako’y iibig pang muli
Dahil sa yo ako’y iibig ng muli
Ang aking puso’y pag-ingatan mo
Dahil sa ito’y muling magmamahal sa iyo
Para lang sa yo

Muli ay aking nadama
Kung paano ang umibig
Masakit man ang nakaraa’y nalimot na
At tulad mo’y naiiba
At sa yo lamang nakita ang tunay na pag-ibig na aking hinahanap
Buti na lang ikaw ay nakilala
Binago mo ang nadarama

[repeat chorus]

Di na ako muling mag-iisa
Gayong ikaw ay nandito na…

[repeat chorus]

Ako’y iibig pang muli
Para lang sa yo…