Tuyo Na’ng Damdamin

Silent Sanctuary

Minsan kahit na pilitin mong uminit ang damdamin
Di siya susunod at di maglalambing

Minsan di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal

[refrain]
At kahit na anong gawin
Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga

Parang ‘sang kandila na nagdadala
Ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag

Minsan di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal

[repeat refrain]

Di na madaig o mabalik
Ang dating matamis na kahapon
Pilitin ma’y tuyo na’ng damdamin

Tuyo na’ng damdamin