Ikaw Ang Buhay Ko

Kris Lawrence

Di mo siguro alam
Na lahat ng aking ginagawa’y para sayo
Di mo siguro pansin
Na lahat ng tagumpay ay aking inaalay sayo

[refrain]
Ikaw ang tunay kong minahal
Wala ng iba

[chorus]
Ikaw ang buhay ko
Ang hiniling ng puso ko
Wala ng hahanapin pa
Sa isang katulad mo
Hindi pagpapalit,
Kahit isang saglit,
Ang ating pagmamahalan
Pagkat ikaw ang buhay ko / Magpakailanman

Tuwing ika’y hinahagkan
Aking nadarama
Ay tunay na ligaya
Buong mundo ay kay saya
Ang lungkot napapawi
Basta’t alam kong nariyan ka na

Ikaw ang tunay na minamahal
Wala ng iba

[repeat refrain]

[repeat chorus]