Sumapit na naman ang gabi
Di na naman ako mapakali
Umuwi na ang lahat;
Radyo sa kotse ay di sapat
Nakaakbay na naman
Kaibigan kong lumbay ang pangalan
Wala na namang bituin sa langit
Wala na namang bituin sa langit
Pinagmamasadan ang mga sasakyan
Sabay ang buhos ng malakas na ulan
Ang kalsada’y dumidilim
Habang ang dibdib ko ay sumisikip
Unti-unti nang namamatay ang ilaw
Unti-unti nang namamatay ang ilaw
Di mapigilang humikab
Ang mata ko ay lumiliyab
Wala na naman akong kausap
Wala na naman akong kausap
Nalulungkot na ako
Nalulungkot na talaga ako
Alam ko na ang lumbay ay may lunas
Alam ko na ang lumbay ay may lunas
Alam ko na ang lumbay ay may lunas
At iyon ay ang makita ka bukas