Pili Ka Lang

Yeng Constantino

Simulan mo sa isang hakbang wag kang matakot
Maraming magagawa subukan mo lang pwede naman
Walang masama kung maging masaya
Ang mundo mo’y gawin mong iba
Wag kang matakot

Ang dami mong kayang gawin di mo lang napapansin
Bakit ba urong-sulong ka
Bakit hindi mo subukan
Wag ka ng magpaiwan

[chorus]
Pili ka lang
Anong gusto mo
Kung yan ang tama sa’yo
Ang mahalaga dyan ka masaya
Iyan ang totoo
Isigaw mo dapat nilang malaman
Sarap ng may pagpipilian

Simulan mo sa pag-isip ng iyong pangarap
Kaya mong abutin
Steady ka lang
Kung pikit ang mata idilat mo na
Nang makita mo na lahat ay magagawa
Wag kang matakot

Ang dami mong kayang gawin
Na di nila napapansin
Wag ka nang mag-urong-sulong pa
Bakit hindi mo subukan
Wag ka nang magpaiwan

[repeat chorus]

Sinong di nagkakamali
Paikot-ikow lang
Ganyan ang buhay
Madapa ka ulit
Ika’y babangon
Ganyan ang buhay

[repeat chorus]