Nakalimutan Kong Sabihin

Christian Bautista

Bakit laging sa huli
Ang panghihinayang, ang pagsisisi
Nung ika’y kapiling pa
Minahal mo ako, ngunit ‘di ko sinabi
Kung sino ka ba sa aking puso
Nagbago ka

[chorus]
Nakalimutan kong sabihin
‘Di ko pinansin ang iyong damdamin
Nung ika’y lumisan, saka ko nalaman
Mahal pala kita
Nakalimutan kong sabihin
Sana hindi pa huli ang lahat
Nakikusap ako, nagmamakaawa sa iyo
Patawarin mo sana
Nakalimutan kong sabihin
Mahal kita

Kung maibabalik ko lang
Mga sandaling ika’y kapiling
Asahang iingatan ko
Ang pag-ibig mo ‘di ko sasayangin

Alam ko na kung sino ka sa puso ko
Kung kailan pa

[repeat chorus]

Akala ko di ka magbabago

[repeat chorus]

Mahal kita.