Paano Na Kaya

Bugoy Drilon

Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
‘Di na man akalaing magbabago ang pagtingin sa ‘yo
Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko
‘Di na kayang ilhim at itago ang nararamdamang ito

[chorus]
Paano na kaya,’di sinasadya
‘Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya ‘di sinasadya
Ba’t nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigang ‘di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya

Kung malaman ang damdamin at ‘di mo tanggapin
‘Di ko yata matitiis mawala ka kahit ‘sang saglit man lang

[repeat chorus]

At kung magkataong ito’y malaman mo
Sana naman tanggapin mo

Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya’ di sinasadya
Ba’t nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigang
At baka hindi maintindihan
Paano na kaya