Gusto Ko Lamang sa Buhay

Itchyworms

Gusto ko lamang sa buhay ay…
Gusto ko lamang sa buhay ay murang gasolina
Gusto ko lamang sa buhay yung magswimming sa beach ng matagal na matagal
Gusto ko lamang sa buhay ay kapayapaan
Gusto ko lamang sa buhay ay ang banal na tinapay
Gusto ko lamang sa buhay ay magtravel at bumili ng souvenirs
Gusto ko lamang sa buhay ay makalasap ng kapayapaan
Gusto ko lamang sa buhay ay… konting… at lalong lalo na

Ayokong maghintay pa sa imposible
Ayoko ng mga romatikong sine
Ayoko nang umasa pa sa walang silbi

Ayokong tumawid pag pinagbabawal
Ayoko ng kapeng maraming asukal
Ayokong bumili ng underwear na mahal

[chorus]
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Hindi naman ako milyonaryo
Basta’t araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko
Feeling ko ang yaman yaman ko

Ok lang kung ‘di maging presidente
Ok lang kung mawalan ng kuryente
Ok lang kung ang bumbilya’y walang sindi

Ok lang kung ketchup lamang ang ulam
Ang gulay ay hindi naman kailangan
Basta’t sa sandwich mo ako ang iyong palaman

[repeat chorus]

[bridge]
Ang dami ko pang sinabi
Tungkol sa aking sarili
Lahat ng yun ‘di na bale
Ikaw lang ang importante

Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo
Salubungin ng ‘yong mga bisig
Dama ko ang ‘yong pag-ibig

Yakapin mo ako
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

[repeat chorus]

Yakapin mo ako
Feeling ko ang yaman yaman ko
Yakapin mo ako
Feeling ko ang yaman yaman ko
Yakapin mo ako
Feeling ko ang yaman yaman ko