Ikaw Lang Talaga

Yeng Constantino

May nagawa ba akong masama
Nakasimangot ka na dyan, baka nagselos ka na naman
Kinausap lang sandali di ka na ngumingiti
Di ka ba nagsasawa dyan, mahabang paliwanagan

Wag ka nang magalit, wag ka nang masungit
Sinasabi ko naman sayong

[chorus]
Ikaw lang talaga at wala nang iba
Kung hindi pagsisigawan tila di mo malalaman
Di mo ba alam o talagang manhid ka lang kaya hindi mo maintindihan
Ikaw lang talaga/Kaya hindi mo maintindihan

Alam kong makulit ako, iyon ang nakikita mo
Pero di mo ba alam sa’yo lang ako naging seryoso
Kahit pa si Piolo o si Sam ang nariyan
Promise ko sayo di ko sila titignan

Kaya wag ka nang magalit, wag ka nang masungit
Kasi ang totoo nyan

[repeat chorus]

Wag ka nang magtatanong kung di ka maniniwala
Paulit ulit lang di ka ba nagsasawa
Mangungulit, magagalit, biglang magsusungit
Sinasabi ko naman sayong

[repeat chorus 2x]

Ikaw lang talaga

Ikaw lang
Ikaw lang
Ikaw lang
Ikaw lang talaga
Ikaw lang talaga