Kung Pwede Lang Sana

Bugoy Drilon

Palaging nasa isip ka
Hindi nawawala
Sa puso ko ay naro’n ka
Dati laging nag-iisa
Nang ikaw ay makita
Ligaya ang s’yang nadama

[refrain]
Laging naghihintay ako’y mapansin mo
Sana’y may pag-asa sa’yo

[chorus]
Di mapigil ang damdamin
Na ibigin at hanapin
Sa bawat sandali ay naaalala ka
Walang sinuman ang makaka-awat pa
Sasabihin, aaminin
Na wala na para sa’kin
Ang s’yang magbibigay ng ligaya at saya
Kung pwede lang ako’y ibigin mo na

Natatakot ang puso ko
Baka mayro’ng iba
Minamahal ang tulad mo
At sana ay di pa huli
Yaring pag-ibig ko
Na inaalay sa’yo

[repeat refrain]

[repeat chorus]

Nang lubusan
Nang mapatunayan
Pag-ibig ko’y tapat kailan pa man

[repeat chorus]

Ooohh, kung pwede lang sana