‘Di Lang Ikaw

Juris

OST: Rubi (ABS-CBN)

Pansin mo ba ang pagbabago?
‘Di matitigan ang iyong mga mata
Tila ‘di na nananabik
Sa ‘yong yakap at halik
Sana’y malaman mo hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging malaya

[chorus]
‘Di lang ikaw
‘Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
‘Di lang ikaw
‘Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip ‘wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Pansin mo ba at nararamdaman?
‘Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik
Maaring tama ka lumalamig ang pagsinta
Sana’y malaman mong ‘di ko sinasadya

[repeat chorus]

‘Di hahayaang habang buhay kang saktan
‘Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay magiging masaya
Sa yakap at sa piling ng iba

[repeat chorus]